Letter for the future hope

Third week na ang nakalipas magmula nung magsimula nang magbukas ang klase. 
At panibagong linggo na naman ang gagawan ko ng entry blog para sa isa kong subject na Educ 5. The Teaching Profession.
 Kada isang linggo kasi ay kailangan naming magpasa ng blog. Inirequired talaga ito sa amin ng aming instructor. Kaya ayun nagsimula na akong tumitig na naman sa kawalan.

Nag-iisip kung ano ba talaga ang magiging concept ko para sa susunod na blog? Andami namang blog na gagawin at kada linggo pa! Hindi magtatagal ay wala na talaga akong maisip dahil tuyong tuyo na ang utak ko.

So ayun isip....isip....isip. 

Hanggang sa biglang pumasok sa utak ko yung klase namin nung monday sa subject na Numeracy Development. Isa sa mga maeencounter mo 'pag ang kursong kukunin mo sa college ay Bachelor of Early Childhood Education. Na ang ibig sabihin ay magiging teacher ka ng mga bata sa edad na 0-8 years old.

Sa subject na ito ay tungkol ito kung paano mo turuan ang mga bata ng Math. Na kung paano mo sila turuang mahalin ang Math.

Edi ako naman nganga! 

Like paano ko gagawin yun kung ako nga mismo ayaw ng Math. Then here the time comes, when our subject teacher showed us a video of a British little girl showing us how she learned solving fraction problem.

 Like what? 

Sobrang pagkamangha ang nadarama ko nung time na iyon kasi napakasimple lang pala ng paraan kung paano ito sagutin. Pagkatapos nun, nagsimula nang magtanong si ma'am ng what is your takeaway in this lesson?

Nung oras na iyon ay sobrang chaotic ng isip at emosyon ko sa loob ko.  Nagrambulan talaga sila literally. Pero kung curious ka talaga kung ano ang takeaway ko o realization nung time na iyon. Basahin mo at ililista ko.

Realization 1: Nasabi ko sa sarili ko na kung ganyan sana magturo ang math teacher ko nung kinder at elementary. Siguro sobrang talino ko sa Math. Char! Siguro I love Math until now.

Realization 2: Teachers do really have a great impact on a child's life. Kasi madadala mo yun hanggang sa paglaki mo eh. Kung paano ka tinuruan ng iyong guro. Hinding hindi mo iyan makakalimutan. Take me an as an example. Haha.

Realization 3: Siguro it's time. Oras na para ako naman ang magpursige para sa sarili ko. Oras na para mahalin ang Math. Oras na para tanggapin ko ito sa aking pagkatao. Kasi paano ko ito ituturo at ipaintindi ang Math sa mga bata kung ako mismo ay hindi ko ito kilala. Kailangan nilang malaman ang importansya nito sa ating buhay pang araw-araw at matutunang mahalin ito.

Kaya ayun everything just fall into it's right place eventually. Nagka-idea agad ako! Alam ko na ang isusulat ko! I will just write a letter to my future students and children that I will teach.

Kaya eto na at diretsahan na...

Para sa aking mga pinakamamahal na estudyante,

Ako nga pala ang inyong magiging guro sa taong ito. Mamaya ko nalang sasabihin ang aking pangalan kasi alam ko namang inyo ding kakalimutan. Ibabahagi ko muna sa inyo kung anong klaseng teacher ako at paano ito nagsimula.

Kinuha ko ang kursong pagtuturo sa kadahilang gusto kong magkaroon ng pangalang propesyon, hindi ito masyadong magastos na kurso, at alam kong stable ito. Pangalawa, hindi talaga ito ang degree program na napupusuan ko dahil major in English talaga ang inaaplayan kong degree program kasi favorite subject ko ito nung highschool. Pero napunta ako sa degree program na BECED o Bachelor of Early Childhood Education sa kadahilanang puno na ang lahat ng slot sa English major at ang natirang available nalang ay ang BECED.

So tinanong ko ang sarili ko . Na kung tutuloy pa ba ako sa kursong ito kahit na wala akong masyadong alam dito. 

Naisip ko naman na kung hindi ko ito tatangggapin. Sayang naman kasi free tuition fee ang unibersidad na napili ko at maganda din ang kalidad ng edukasyon. Kaya mas pinili kong maging praktikal at tinanggap na lamang ito.

Nung nalipat na ako sa degree program na BECED. Dun ko lamang nalaman na ang tuturuan pala namin ay mga bata. Like paano ko gagawin iyon kung hindi ako mahilig sa mga bata? Wala talaga akong kaalam-alam tungkol sa mga bata. Hindi din ako yung tipo na nagvovolunteer na bubuhat ng mga bata. As in hindi talaga. Hindi ko talaga alam ang kursong pinasukan ko nun. Kasi hindi kilala ang kursong BECED at bago pa lamang daw ito ayun sa mga instructors namin.

Sa parte ko naman, pumayag na lang ako at piniling panindigan ang lahat ng ito. Andiyan na eh! Nakakapagod namang mag-back-out o magshift ng ibang course. Kaya pinili ko nalang  na manatili kasi alam kong everything happens for a reason. Si God na ang bahala sa lahat.

Sa pagpapatuloy ko, na-encounter ko na din ang mga lessons, activities at iba pa. Kung akala niyo naman na madali lang ang kurso namin dahil nga mga bata LANG ang tuturuan namin. Na simpleng ABCs at 123 ay okay na. MALI KAYO. Habang tumatagal ang pag-aaral ko sa kursong ito ay narealize kong walang madali kung ang pag-uusapan ay bata.

Isa sa mga realizations ko ay hindi madaling magturo ng mga bata. Dahil napakafragile pa nila sa totoong mundo. Nakadepende sa iyo kung paano sila magiging sa paglaki. At ikaw na guro nila ay trabaho mo ang patibayin ang pundasyon nila sa pagkakatuto sa lahat ng bagay. 
Responsibilidad mo na dapat lahat nang matutunan nila ay makabuluhan at madadala nila ito hanggang sa paglaki nila. Matuto kung paano ang mabuting asal at kung paano maging mabuting tao. At ako bilang guro ay dapat manguna sa pagiging isang mabuting ehemplo dahil sa akin sila natututo. Na dapat lahat ng ituturo ko ay naaayon sa kanilang gulang at kakayahan. And the list goes on....

Marami pa sana akong gustong ibahaging rason  kung hindi pa sana tayo aabutin ng umaga kung iisa-isahin ko pa.

Pero higit sa lahat ng ito ay may isang bagay na bumabagabag sakin. Isang tanong na naghahanap ng tamang kasagutan.

How to be a great BECED teacher?

Paano nga ba? 

Paano nga ba kasi ngayon pa lang ay napuno na ako ng takot, mababang kumpiyansa sa sarili at pangamba. Paano kung hindi epektibo ang pagtuturo ko? Paano kung hindi ako marunong makihalubilo sa mga bata? Paano ba ang tamang pagtuturo sa mga bata? Paano kung may sakit ang bata? Paano ang ganito? Paano ang ganyan? Walang katapusang tanong.

Buti nalang naalala ko yung sinabi nung instructor ko na", It takes a heart, head and hand to teach a child." 

Nagising ako bigla! Bakit ko paiiralin ang takot ko at pangunahan ang lahat? Hindi ko pa nga ito nasusubukan, ang advance ko agad magisip. Naisip ko na dapat ko munang subukan ito para malaman at hindi paiiralin ang kaduwagan.

Kaya para sa mga magiging  estudyante ko. Hindi man ako ang pinakamagaling na guro sa mundong ito at marami mang sablay.

But I promise I will do my best to....
- teach you everything about the world.
- guide you to the right path of your journey.
- be courageous and protect you from all possible harm that may inflict you.
- do all my best in everything I will do.
- keep my word to whatever promise I may make.
- be responsible for your own welfare.
- be sensitive for every difficult times you encounter.
- be understanding and patient in teaching you.
- and lastly, to love you as if you were my own. 

Hihingi din sana ako ng kapatawaran in advance sa lahat ng magulang at katrabaho ko. Patawarin ninyo sana ako kung marami akong pagkakamali at kasablayan. Na kung minsan ay nakukulangan kayo at hindi kuntento sa serbisyo ko. Nakakalungkot man pero aminado ako dun. Baguhan pa lang kasi ako kaya hihingi muna ako ng pang-unawa mula sa inyo.

Huwag po kayong mag-alala. Natuto din naman po ako sa mga pagkakamali ko. Pangako po na hindi na po iyon mauulit maliban na lang kung kinakailangan.


Salamat din po pala sa tiwala at pagkakataon na ibinibigay ninyo sa akin. Sa tiwala na magagamit ko ang lahat ng natutunan at pagsasanay ko para maturuan ang mga anak ninyo. Sa pagbibigay ng pagkakataon na magampanan ang aking tungkulin bilang guro at mahasa ang aking kakayahan.
Kaya bago ko po tapusin ang liham na ito ay gusto kong malaman ninyo na sinadya kung isulat ito para kung sakali mang makalimutan ko man ang tungkulin ko bilang guro ay mababasa ko ulit ito at maaalala. Kahit na hindi man ako ang klase ng guro na passion at calling kung bakit ako nagturo..

Sisiguraduhin ko naman na tatapatan ko ito ng pagiging matiyaga at pagmamahal sa lahat ng gagawin ko lalo na sa pagtuturo ng mga bata. Makakaasa po kayo!

Para naman sa mga magiging estudyante ko....

I'm looking forward to meet and learn with you!







Photo credits:
freepik.com
quickanddirtytips.com
teach.nsw.edu.au

Comments

Popular posts from this blog

Nostalhik

Rise and Be Strong

My happiness is not by wealth