Nostalhik

Lunes ng umaga na naman. Gigising na naman ng maaga. Habang ako napuyat pa kagabi dahil ang tagal kong natapos sa mga gawain sa bahay. Kinailangan kong tapusin kagabi dahil 7:30 ang klase ko kinabukasan. Kaya ayun nga sinimulan ko na ang aking usual morning routine. Naghanda ng almusal para sa buong pamilya. Pagkatapos naligo, nagbihis, nagtoothbrush at....basta tinapos ko na ang pag- aayos sa sarili ko. Kung akala niyo dun na nagtatapos ang lahat. Mali kayo...

Dahil two rides ang biyahe sa amin papuntang Cebu Normal University, kung saan ako nag- aaral. Mga 10 minuto muna akong babiyahe sakay ng motor.
Mga 30 minuto naman ang biyahe sa jeep at hihigit pa dahil sobrang traffic kapag umaga. Hindi rin nagiging madali ang karanasan ko sa jeep tuwing umaga. Paano ba naman, kailangan ko pang maghintay ng jeep na masasakyan. Medyo hindi din kasi gaanong marami ang jeep sa lugar namin eh. Pag may parating ng jeep.....

Ay naku, girl! Maging alerto ka at i-ready mo na lahat ng energy na nakukuha mo sa pagtulog kagabi. Dahil unahan ang pagsakay ng jeep. Kailangan mong magmadali. Kung hindi ay baka mapuno na ito at hindi ka na makakasakay pa.

Ladies first?  Priority elders, baka mo? Naku hindi na iyan uso sa panahon ngayon. Minsan nga mga lalaki pa ang hahawi sa iyo sa gilid para lang makauna. Lucky day mo nalang 'pag may gentleman ka pang makakasakay.

Hangaang sa pag- upo ko sa jeep, nagdadasal pa ako at inuulit ang mantra sa isip ko na ," I will not be late" or "Malalate ang instructor ko ngayon". Kasi naman hindi kasi ako yung tipong early bird. Kabaliktaran pa nga eh! Ako yung pinakahuling dumating hahahaha. Inoorasan ko ang biyahe mula sa bahay papuntang CNU. At kailangan kong bumiyahe isang oras bago ang klase ko para hindi ako malate!

Eh sadyang biniyayaan din naman ako ng kilos  na makupad. Ayun imbes  na isang oras  bago ako lalakad naging treinta minuto dahil sa kabagalan ko. Kuwarenta minuto pa minsan.


Cebu Normal University (main campus)

Kaya pag dumating ako sa klase ng P. E na first subject ko nung araw na iyon . Nagmukha akong babaeng binagyo ang sarili dahil sa kakatakbo dahil nagmamadali na. Nabawasan tuloy ang points ko dahil late na NAMAN.

U- cafe

Ayun pagkatapos nang first subject ay nagpasama ako sa kaibigan ko sa U- cafeteria. Nagutom si ate kanina sa kakatakbo mula sa babaan ng jeep hanggang sa SM Hall. Idagdag pa ang pakikipagsiksikan sa mga estudyante sa daan na ang tagal maglakad. Chill muna sila kasi nga mamaya pa ang mga klase nila. Saka iiwas na rin sa dami ng mga sasakyan na nakaparking.
Weeww! Go girl! Laban lang.

Samuel Mclintock Hall (SM Hall)


So ayun pagdating dun ay nag chika galore din ng kaunti at biruan. Hunting ng mga gwapong school mates. Hmmm...Ayun! Yung nakawhite shoes. Mayamaya......Ay! sayang. Kafederasyon ko pala. Hays! Makapunta nga lang ng library.

University Library
Pag pupunta ka sa library ano ang karaniwang sadya mo doon? Tama!  mag- aaral, mag-research, at gumawa ng assignment. Pero ako? Iba ang sadya ko doon. At iyon ay ang matulog. Haha palagi ko talagang ginagawang tulugan ang library kahit saan man ako mapupuwesto. 

Hindi ko din alam kung bakit pero palagi akong inaantok dun. Siguro dahil sobrang tahimik doon. Ang sisipag ba naman ng mga staffs doon na sawayin ang mga maiingay na estudyante. Kung meron mang makakabasa nito na mga staff ng library. Sana payagan niyo pa rin po kaming matulog dun. Joke!

Pero pwera biro.... Masasabi ko talagang isa ang library ng Cebu Normal University sa mga pinakamagandang library na napuntahan ko. Naging official ko pa nga itong tambayan eh. Kahit na palaging lumalaki ang mga butas ng ilong ko sa tuwing aakyat ako ng hagdanan para lang marating ang 3rd floor. Still on under renovation pa kasi yung library sa second floor.

Pagkatapos dun ay pumunta ulit kami sa U- cafeteria kasi lunchtime na. Kung may ₱15 ka. Makakabili ka na ng isang burger. At dapat may sariling tubig kang dala. Kasi day...₱15 din ang mga drinks. Eh kung mapera ka naman. Sige go!

Pagkatapos nun, kapag wala na kaming masyadong magawa. Pupunta kami sa mga likod ng administration building kung saan may mga bench at mesa doon at iidlip ng kaunti. Haha na naman. Chill- chill lang. Hinihintay ang last subject sa araw na iyon. Dalawa lang kasi ang subject ko nang araw na iyon. Saka hindi naman kami lakwatsera na kung saan-saan napupunta. Charoott. Paminsan - minsan lang naman. Tamang enjoy sa college life. Hanggang sa matapos  ang buong araw na iyon.



Hayyyy.... Kung sana walang pandemic Covid-19. Kung sana normal pa rin ang lahat. Kung sana walang online class at hindi kami nakatutok sa kaniya- kaniya naming screen sa cellphone ,laptop,  at computer. Para lang mameet ang kaniya-kaniyang instructors. Na kung sana walang estudyante ang nahihirapan sa online class kasi mahirap ang internet connection sa kanila. Mabagal at walang pera pambili ng load.

 Na kung sana walang mga guro ang tambak- tambak ang trabaho at naaabala. Na kung sana walang mga staff at administrators  ang napipressure sa kani- kanilang trabaho.

Pero mas lalo pang nahihirapan ang ibang pamilya ngayon. Na walang nang pera at wala nang maipakain sa mga anak nila. Kaya sobra ang pagpapasalamat ko sa diyos na nakakain pa rin kami 3x a day o higit pa.


Sa panahon ngayon na lahat ng mga tao ay naka mask at pinapanatili sa bahay. Kailangan nating magtulong- tulong, magkaisa at makibahagi ng kung ano mang meron tayo. Saka lagi paring maging maingat at malinis. 

Nakakalungkot kasi marami tayong nahihirapan. Lahat tayo ay nahihirapan mag- aadjust.  Pero wala na tayong magagawa kailangan pa rin nating mag - adjust sa bagong normal.

Na kahit nasa gitna tayo ng pandemic. Dapat tayong magpakatatag. Huwag sumuko. Huwag mawalan ng pananampalataya sa diyos. Ipagdasal natin palagi na matapos na ang pandemic Covid-19. At sana matapos na ang lahat ng paghihirap sa buong mundo.

Comments

Popular posts from this blog

Rise and Be Strong

My happiness is not by wealth