An Open Letter to my Fellow Normalites
Kumusta? Kumusta ka na kaibigan? Kumusta ang iyong ikalawang linggo sa bagong normal na pag aaral? Nakapag- adjust ka na ba o namomroblema?
Sa tingin ko base sa kunot ng iyong noo at kamot sa iyong ulo. Habang binubuksan ang mga notifications na nakalagay sa iyong cellphone o computer screen. Ay nasa ikalawa kang pagpipilian.
Pero huwag kang mag-alala. Hindi ka nag-iisa. Pareho tayo at ng iba pang karamihan sa mga estudyante ngayon na namomroblema dahil sa sitwasyon na kinakaharap natin ngayon.
Pareho tayong nangangamba at natatakot sa pandemyang Covid-19. Pareho tayong nagugutom dahil wala nang trabaho ang mga magulang natin. At kasalukuyan pa silang naghahanap ng ibang trabaho. Pareho tayong nape- pressure ngayon sa ating online class. Pareho tayong humahabol sa lahat ng deadlines na ibinibigay sa atin.
Pareho din tayong minsan ay naiinis, naiiyak at namamaktol. Dahil sa dami ng school activities na ibinibigay sa atin ng mga professors. Na parang akala nila ay tulad tayo nila Superman at Wonderwoman na kayang tapusin ang lahat sa isang iglap. Pareho tayong humahanap ng iba't-ibang paraan para lang makabili ng load para makapasok sa Google meet at maka Google search. Yung iba nga nagdedeliver ng tubig para lang may ipambili ng load.
Idagdag pa ang hindi alam ng nakararami na mayroon din tayong problema sa bahay at pamilya. Karamihan kasi sa atin ay hindi galing sa isang perpektong pamilya. Kaya maraming pagkakamali at sakit ang hindi lang natin sinasabi sa ibang tao.
Napakadami na nating kinakaharap ano?
Dahil sa dami ng mga ito ay gusto mo nang sumuko para matigil na ang lahat ng ito.
Pero sasabihin ko ulit ah? Kung gusto mong sumuko, KAMI RIN.
Dahil naranasan din naming mahirapan, magalit, mainis, mamroblema at madepress.
Pero sana naisip mo na kapag susuko ka ngayon. Ano nang susunod na mangyayari sa'yo? Sa tingin mo ba matatapos na ang lahat kapag sumuko ka? Sa tingin mo ba hindi ka manghihinayang sa naging desisyon mo?
Oo, alam kong nahihirapan ka na sa sitwasyon mo ngayon. Pero hindi ito sapat na dahilan para itigil mo ang galaw ng iyong mundo. Na itatapon mo lang ang pinaghihirapan mo sa naging kung ano ka ngayon.
Ano ngayon kung may pandemya? Kung alam ko namang darating ang panahon na lilipas din ito. Ano ngayon kung nakararanas tayo ng hirap o gutom? Hindi naman iyan magtatagal eh. Ano ngayon kung kaliwa't kanan ang matatanggap mong school homeworks at activities? Pwede mo namang trabahuin iyan isa- isa eh.
Hanggang sa hindi mo nalang namalayan na natapos muna ang lahat. Kailangan mo lang ayusin ang pangangasiwa mo sa iyong oras.
You see, hindi naman nagbibigay ang mga professors natin ng mga gawain 'pag alam nila na hindi mo kaya. Binibigay nila ang mga assignments at tasks dahil may tiwala sila sa iyo at sa kakayahan mo.
At saka gusto nilang matuto ka at maging handa sa mga kakaharapin mo sa tunay na mundo.
Hindi man tayo si Superman at Wonderwoman na kayang gawin ang ang lahat. Pwede naman natin silang tapatan sa ating matinding determinasyon at sipag.
Ano ngayon kung nahihirapan ka sa online class dahil wala kang pambili ng load? Kaibigan , sobrang dami ng paraan sa mundo para lang makuha ang gusto mo.
Sabi nga ng isang kanta," But to look beyond the glory is the hardest part, for a hero strength is measured by his heart." Ngayon naiintindihan mo na ba?
Nakadepende sa iyo ang tagumpay mo sa buhay. Hindi sa tadhana o destiny man. Determinasyon at sikap lang ang puhunan. Yung iba nga nagdedeliver pa ng tubig para lang makabili ng load. Para makapagpatuloy sa paglakad patungo sa tagumpay.
Kung hindi mo pa kasi narerealize kaibigan. Isa sa mga batas ng buhay ng tao ay kailangan mong paghirapan muna ang lahat ng bagay bago mo makamit ito. Kung kuntento ka na naman sa klase ng buhay mo ngayon. Hindi mo na kailangan pang sundin ang mga pinagsasabi ko ngayon dito.
Basta tandaan mo, hindi ka ipinanganak sa mundong ito para lang sumuko sa buhay. Iba't-iba man ang uri nito. Pero lahat tayo ay may kinakaharap na problema. Hindi tayo magkakapareho dahil magkakaiba tayo sa pagkakatuto.
Humaharap tayo sa mga problema ngayon. Hindi para sirain ang sarili. Kung hindi para matuto sa mga pinagdadaanan natin ngayon.
Problemang pamilya ba kamo? Kaibigan, naranasan ko din iyan at nang iba pa. Pero hindi lang naman personal ang bumubuo sa buo mong pagkatao. Pwede ka pa namang magsikap at tumuloy sa iyong buhay kahit na may sabit.
Para ano pa at darating din naman ang tamang panahon na magiging maayos ang lahat. Isa pa may mga ibang tao ka namang pwedeng masandalan kapag naaagrabyado ka. Kailangan mo lang lawakan ang iyong paningin.
Isipin mo nalang na ilang taon mula ngayon. Ay nakahawak ka na sa iyong diploma.
Dahil sa wakas ! Nagbunga ang iyong paghihirap. O hindi naman kaya'y natupad mo na ang mga pangarap mo. May bahay, may kotse at magaan na ang iyong buhay. O kung ano pa man ang iba mo pang mga pangarap na natupad na.
Mapapalingon ka na lang sa mga pinanggalingan mo. Magpapasalamat sa lahat ng pagsubok na nagbibigay kontribusyon sa naging kung ano ka ngayon.
Yung masayang pakiramdam ng fulfillment at satisfaction? Hindi iyan matutumbasan ng kahit ano mang yaman. At marerealize mo na hindi mo iyan matatamasa kung sumuko ka ng maaga. Maging dala dala mo iyan hanggang sa pagtanda mo.
Na pwede ring maging inspirasyon ng mga magiging apo mo at sa susunod pang henerasyon.
Kaya kaibigan kong normalite man o hindi.
Tahan na.... Burahin mo na ang paghihirap sa isip mo at punasan ang mga luha. Umpisahan munang tingnan ang mga problema mo sa positibong pananaw.
Huwag mong hayaang tumanda ka na puno ng panghihinayang. Kumilos ka na! NGAYON NA habang bata ka pa at may oras pa! At higit sa lahat, HUWAG NA HUWAG KANG SUMUKO!
Sources:
goalcast.com
dreamstime.com
healthline.com
momjunction.com
cnbc.com
journalpioneer.com
scientificamerican.com
independent.co.uk
parklandtalk.com
Comments
Post a Comment